Wednesday, July 16, 2008

mahabang post about st. scho

4 years lang ako sa st. scho, pero grabe, namimiss ko na siya...


and i was just thinking about the stuff i miss about st. scho the other day...and nakita ko tong post na to

so repost lang from: koolasang makulit

KULASA KA KUNG ALAM MO TO!!
Kung hndi man kita kabtchm8, alam mo
khit isa sa mga ito…

Mga halu-halong alaala mula prep
hanggang hayskul sa tinubuang paraalan
ng
Santa Eskolastika.

Batch ko nga pla 1993-2004 (sobra ng 1
yr kc umulit ako gr.4)

1. Bell ni Mrs. Pentocostes
Kadalasan to sa gradeskul, pag may
narinig ka ng bell, alam mo na
parating na si Mrs. Pentecostes. Kya
kung anu man ang ginagawa mo, tumitgil
ka para lng antayin ang pagdaan niya. 

2. Ice candy
Ito ung kulay violet red na ice candy,
iba lasa nito sa ordinaryong ice candy
na mbibili mo sa tindahan. Alam mong
kumain ang isang tao nito kapag
namumula ang labi niya.

3. Chits
Dalawa ang istasyong ng canteen noon,
ung palitan ng chits at ung mismong
tindahan.
Hindi ka mkakabili ng khit anu pag
wala kang chits sa canteen
Kadalasan trapik kc butal ang mga
chits. 50c, 1, 2, 5, 10.

4. Shake
Di pa uso nuon ang Shagoo at Zagu at
di pa gnun ka ayos ang canteen noon,
may bilihan na ng masap sa shake. Un
ung nkapwesto sa una banding kaliwa.

5. Mojos at Pizza
Eto ung dalawang pagkain na hndi nwala
sa recess ng isang kulasa. Sikat ka pa
pag may hawak kang 1 box ng pizza.

6. Ham Sandwich
Pag wala kang budget para kumain o pag
may gagawin kayong project, bibili
nlng ng ham sandwich.

7. Honey Bacon Cheese Burger
Ito na ata ang pinakamalinamnam na
burger sa St. scho na natikman ko.
Ang hndi nkatikim nito, may namiss ka…

8. BBQ sa gate 7
Dadi ng isang kulasa ang nagtitinda
dito. Masarap kya ubos lagi ang tinda,
pwede pa mgpareserve bsta babalikan mo
lng.

9. Candy braces at choki-choki
Hahaha... ito ung candy na may iba’t-
ibang kulay na nilalagay sa ipin para
kunwari nkabraces ka at ung kausuhan
ng choki-choki. Pinabanned nga ata ng
admin tong mga to kasi wala ng ginawa
ang nga kulasa kundi bumili ng mga
ito. 

10. Old Music House
Sino ang di nkakaalam nito? Takot ako
dito noon. May nkatira raw na white
lady dun at pag dumaan ka may
maririnig kang tumutugtug ng piano.

11. Marian Dress
Gradeskul days to naganap, nkadress
dapat kc first Friday mass. Sa araw na
ito lahat ng mga gradeskul students
mukang babae. May mga pasaway nga lng,
may ngmicro mini at nauso ung palda
shorts.

12. HS Building
Noong grade 6, atat lahat maghigh
school kc natatanaw nila ung mga
ginagawa ng HS sa katabing building.
Iba rin kc ang tiles ng HS sa GS.

13. Super Name Tag
Prep- grade 3 ang meron nito. Super
lalaki ng font ng pangalan sa nkasabit
na name tag.
Ex. RAMILLE MARIA C. DELA PAZ
PREP-MASIPAG
GATE 7
MANONG ORLAN
13-RODRIGUEZ ST......
94122…..
Para silang mga wanted

14. Name Tag
Ayaw gumawa ng name tag pag HS na. kc
ayaw mtawag ng teacher. Pag wala kang
name tag kurdapya pangalan mo 4 d day.

15. Stroller
Sino ang hndi ngstroller?!?? Palakihan
pa nga noon at ang uso may lock na di
susi pa. Tapos pag uwian na, Paunahan
sa baba.

16. Star Scout at Girl Scout
Marami ang ndi umaamin na nging scouts
sila. Ewan ko ba. Siguro un lng ang
common na alam ng mga parents na club
noon para sa mga babae.

17. Eraser
Pagtitinginan ka ng ibang mga ktabing
sections pag nrinig ung pagpapagpag mo
ng eraser sa labas. Minsan khit walang
dust pagpag ka pa ng pagpag, lalo na
pg sinisilip mo ung mgiging kbonding
mo mamayang lunch. Un noh!!

18. Bonding
Hahahha… marami ang nag-asam
ng “kabonding” sila ung mkikita mo na
lakad ng lakad paikot ikot pag lunch.
May dalang pamaypay tas ung isa may
hawak na panyo, ewan ko ba, cguro
napapgod din sila. Sila ung mdalas na
nagsisilipan pag nagpapagpag. 


19. Letter writing
Cympre bago bonding, magsusulatan
muna. Pag nagkaayos na sa sked bonding
na. sila ung mkukulit sa umaga na
pumupunta sa ibang section.

20. Drinking Fountain
Pag di mo na feel ung topic mag gogo-
out ka para uminon sa drinking
fountain. Tas ang pupuntahan mo pa e
ung pnkamalayo sa klsrum nyo para
stroll. 

21. Clinic
Ano ba ang gamit ng clinic?!? Dun sa
mga oscar winners sila ung mkikita
mong 2log na 2log sa clinic. Ung nga
sawi may vicks sa sentido ng ulo.
Yeah!!!!

22. Sports Bag
Uso to nung high school, pag meron
kang gnito u’re in! ito ung bag na
usually circular tube ang korte.
kadalasan Speedo o kya naman LA Gear
pag mayaman ka Nike o kya Adidas.

23. Coleman
Kawawa ang mga nagddala ng coleman sa
skul. Kc pag naisipan uminom ng isa,
ipapasa sa isa at mkikiinom na ang
lahat. Minsan nga mamimili ka pa ung
may yelo pang coleman ang hhingan mo
ng tubig.

24. Service
Pag sanay na driver nyo ok lng pero pg
mainitin ang ulo try da next one. Ito
ung mga laspag sa service dahil sa mga
umaangkas palabas ng gate 7 para lng
sa S’mall.

25. Lover’s Lane
Dito mo mkikita nkaupo ang mga
magkabonding. At pag dumaan si ms.
Jaymalin tatayo ang isa, para di
halata dahil baka magka “issue sa
office”.

26. Angelus
Hihinto ang lahat para magdasal. Alert
ang mga Girls Scouts dito dahil sila
ang kukuha ng pangalan mo pag di ka
huminto.

27. Prayer room
Nung GS: tinatambayan ng iba para
malamigan lalo na pag break. Nwala rin
ang aircon dito. 
Hung HS: nakalock ito. 

28. Uniform
“Upong Kulasa”: ito ung pagnka-upo ka
ung laylayan ng palda e nasa hrapan
lahat tas mjo nkabukaka pa. Astig raw
kc tignan
“Loose Blouse”: marami ang na-office
dahil dito. Ito ung imbis na nkatali
ung string sa harap, nakaribbon nlng
sa likod, tapos pag naglakad ka
automatic ung pag labas ng blouse mo
sa gilid na jumper.



29. Shorts
Marami ang nagshoshorts noon. Uso kc,
chka para pag nag “upong kulasa”
Di mkkita panty mo.

30. Opener
Nung HS mauna-una ang labanan. Pag
nauna ka ikaw ang mgbubukas ng klsrum
nyo. Kasama dito ang pagiging creative
mo sa pagtatali ng green na kurtina..
Paayusan pa nga noon bawat rum, ung
kadalasan e ung ayos na mjo may
kalaparan tas may plits sa gilid, at
ung iba nkabuhol lng.

31. Mangga
Panghimagas: pwedeng manggang may asin
o manggang may alamang.

32. Over night nung GS retreat
Kami ata ung pinakalast na nkapagover
night noong grade 6 pag retreat. Sori
sa sumunod na batch, may nahulihan kc
noon sa amin… aun na un.

33. Cellphone
Nagdala kb ng fone? Nhulian kb? Saan
mo tinago?
Ako, all my junior and senior yr ata
may charger pa. 

34. Bloomers
Kumpleto St. Scho uniform mo pag
nkapag bloomers ka pag- p.e.
Diba, batch ata namin ung huling may
bloomers. At ang required ang kalaban
ng Havainas, white SPARTAN rubber
shoes.

35. Jogging Pants
Marami ang excite dito, kc noon 3rd at
4th lang ang nkakapag jogging pants.

36. Heart Strings
Hahaha… ang bag!! Kapanahunan namin
nagsimula ang pagsusuot ng bag na
Heart strings. Kadalasan mga kikay ang
may ganto, tapos ang design pa e ung
checkered.. Ako once lng ata
nkapagsuot atleast bumili ako. 

37. IMC
Di ka na kakain pag lunch, magdadala
ka nlng ng sago sa IMC para maglaro ng
sungka, uno, at iba pang board games.
At mangheram ng recorded songs kay
Kuya Jun.:)

38. Rubber Tree
Ito ung pinaka malaking puno sa St.
Scho. Maraming kwento dito. May
lumalabas daw dito at marami ang
nkatira.




39.Niňa Maria
Pangalan ito ng isang hallway sa
lumang prep klasrums papuntang gate 7.
Kung kulasa ka, kilala mo siya at alam
mo kung ano ang storya nya. Kwento ko?

40. Lechon Kawali
Ang sikat na meal pag lunch, malutong
kc ung balat…

41. Saba kong Yelo
Sino di nakakain nito, may namiss ka
ulit…
Pag ito kinain mo, mag papadagdag ka
ng tamis nito.
Kahit nga wala ng saging basta may
katas, solb na..

42. Mashed Potato with Cheese or with
Ham?!?
10 lng may mashed pot kana diba…

43. Sprit of the…
Sino ang hndi nagtry nito??? Merong
spirit of the glass, spirit of the
coin at khit may klase pwede kc, pati
spirit of the ball pen ginawa nyo na. 

44. How old are you, 1, 2, 3….
Ito ang maririnig mo pagnaghuhulaan
kayo ng kulay ng panty. Sisilip pa
tlaga sa palad para may
mkitang “kulay”.

45. Laslas ng pulso
Di lahat nagtangka nito, pero may
issue noon pag may laslas ang pulso
mo. Ung iba pa, may ukit pa ng mga
numbers o kya mga initial ng kung sino
man….

46. Lindol
May iba’t- ibang kwento noong 2002
nung lumindol. Marami ang nagpanic at
marami ang nagsabi na may after shock
pa. 

47. Dividers
Cool ito!! Ito ung iba’t- ibang
klaseng tiklop na makikita mo sa
notebook na may nakasulat na 1st
quarter hanggang 4th quarter.
Ahhihihihi… 

48. Batibot
Nakaupo ka nb sa batibot?!?!?

49. Mr. Ubas
Ano, kilala mo ba si Mr. Ubas sa gate
3??

50. Family Day
Sinong hindi nkapagsayaw nung family
day nyo??



51. Vandal
Ang dumi ng cr pag maraming vandal??
Nkapagsulat kb?

55. Bully
Nauso ang bully nung GS, lalo na pag
nsa library ka, tas mkakasabay mo mga
grade 6 sila raw kc ang ngsimula.

56. Swing
Lahat naman ata nkapagswing ng malakas
sa playground at nkapaglaro ng Marco
Polo.

57. Slide
Ito ung semento na pababa at ang
bagsak mo IMC. Pila ang pagslide dito.
Tapos tsympuhan lng kc kita to sa
office.

58. Sweet Valley High
Im not into books noong gr.3, tanda ko
pa na permitted na humiram ng Sweet
Valley High ang mga gr.3 marami akong
klasmyt na natuwa kya pati ako
nkihiram.. kilala mo ba si Jessica?

59. SRA (Science Research Associates)
Sino ang di nkalampas dito?? Anong
color ka ngstart?
Cheat galore pa dito nuon kc answer
key na kinukuha mo para lumevel up ka
agad.

60. Subscriber
Naaalala mo p bang mga magazine na uso
nung grade school?
May membership card ka ba ng
Saranggola at Pambata?

61. Gospel Comics
Binabasa to every Sunday para sa
lecture ng CLE. Pag nkalimutan mo,
hihiram ka sa ibang section.

62. Sketchers
Malamang nagsuot ka nito.

63. Mass Attendance
Dito, nid mo pa ilagay kung bakit di
ka nkapag mass. Papasa ito every
Monday tas pipirmahan ng teacher mo.

64. Clean and Neat
Naaalala nyo pa ba ung checklist na
pinapasa every end of the month sa
p.e.?
Nkalagay dun kung araw-araw ka
naliligo, nagsipilyo, nag gupit ng
kuko?? 

65. Lovers
May alam ka tungkol kela Bb. Gar.. at
Bb. Cr.. nung GS, ano alam mo ba un?
Hehehe....

66. Shoes
Nabiktima ka ba nung laganap ung
pagtatago ng sapatos?

67. Guess
Nkiuso ka noon sa tatak ng medyas mo
ay may Guess o kya ung logo nilang
question mark.

68. Sock styles
Bibili ka ng mjo mhabang medyas para
may style ung pagtiklop mo.. anu style
mo?

69.
Stamp







Lahat ata nkabili ng collectible
stamps…

70. Gumamela
May dala kang gumamela para sa parts
of the flower..

71. Ms. Ach…
Malamang alam mo ang story ng pustiso
nya, tama ba? Hahaha

72. AVR
Masarap matulog dito lalo na pag patay
ang ilaw

73. Baranggayette
Nakaboto ka noon sa baranggeyette

74.Baby Bra
Dalaga ka na pag nagsusuot ka na ng
baby bra nung gr.4

74. P.E.
GS: excited lahat pag p.e. kc isasara
ung pinto ng rum tas lahat magbibihis
HS: gnun din nung simula pinalitan
nung dumami ung teacher na mga lalaki
pwede
Na magbihis sa GYM.
Tapos pag nkalimutan ang uniform
hihiram sa ibang section.

75. Paper bag
Pagandahan ng paper bag noon para sa
uniform sa P.E. mas malaki da better...

76. Braids
Makikipila pag umaga sa mga
magagaling magtirintas ng buhok noon.
Nung batch nmen, kadalasan si Esfel
Torrecampo at Joanna Deomampo ang
laging fully booked.

77. Pencil case
Nagakaroon ka ng pencil case na cool,
mas maraming mapipindot mas cool.




78. Agawan base
Ang pinaka alam na lugar nito ay ung
dalawang malaking puno sa Old gym.
Ano may kuryente ba o wala? Ahihihihi

79. Patintero
Pwesto nito ung sa Old Gym din, halos
masakop kalahati ng gym para dito.
Pag pioneer ka, bibili ka lng sago pag
lunch tas pwesto na agad sa old gym...
May back touch ba?? 

80. In, Out
Sa larong to halos nka upo na ang
taya para lng mhuli ang paa mo.

81. Teddy bear
Natapos mo ba ung teddy bear mo nung
HS sa THE?

82. Mass
Pag mass,mataas ang tingin sa klase
nyo pag sa bleachers kyo nkaupo.
Minsan pa unahan sa taas para mas
marami ang mkita. Silip pa dito pati
ung mga teachers na natutulog pag
homily.
Tapos papoisan pag iikot na pabalik sa
upuan. Malamang sa gitna ka dadaan kya
u’ll walk with elegance. Pinagbawal
rin ang pagdadala ng pamaypay, kc
pasahan na lng ng pamaypay ang
nangyayari buong mass. Tapos, pag
collecton na, padamihan ng coins sa
bulsa para may mbigay.

83. Nitz
Pag uwian na lalo na nung GS,
maririnig mo nlng ang mga
estudyante, “kita nlng sa Nitz”.
Cympre may mga tambay na tlga don.

84. News paper drive
Every year ata nung GS may ganito.
Pinagpapadala ang mga estudyante ng
sangkatutak na dyaryo para sa contest
na to. Tapos iaannounce via PA kung
sino ang highest.

85. Napkin box
Safe ka pag ngcr ka at may period ka,
may instant pambalot ka sa used
napkins mo dahil may mga napkin boxes
bawat cubicle. Gawa ata to ng 1st year
sa lumang yellow directory.

86. Green thumb
Nung 4th year naranasan mo ba ung
magtanim ng halaman sa likod ng New
Gym? May tumubo ba? Anu ung tanim mo?

87. Mood ring
May iba’t- iba korte ang mood ring
noon, may bilog, oblong, triangle o
kya ung buong singsing ay mood. Anung
mood mo?

88. Ice Cream
Di pa uso ang Mr. Softy noon may
chocolate syrup na ang ice cream sa
Isko. Pwede sa sweet cone at sa cup…

89. Elephant pants
Mga taga walis ng sahig!!! Ito ung
pants na npkalapad tapos may malaking
bulsa sa likod. Ang tanda ko noon
sikat na bilihan nito ay ang NEXT
jeans, 6 ata kmi noon na meron nito sa
batch.

90. Calendar
Ito ung malaking kalendaryo na gawa sa
blackboard para sa GS. Dito nakasulat
ung sked for da whole month. E
nakatambay kb sa bakod na tapat nito? 

91. Bulletin board
Depende kung anung theme ang gagmitin
for the month at cympre may caption.
Ito ung gingawa ng mga estudyante pag
lunch sa klasrum. Actually may permit
sila. Nkalista lng ung mga gagawa sa
board. Pag kakosa mo ang mga gmgawa
pinapatambay ka sa rum khit wala ka sa
listahan.

92. AMANDA?!
Kilala mo ba si Amanda. Gr.5 ako noon
nung dumating siya. Siya ung Am-Girl
na pumasok sa Isko na Gr.6 agad. Di ba
bawal un kc graduating… pretty naman
siya at harmless pero matindi issue
sknya na kesyo binayaran niya ang skul
para mkapasok. Well in fact, the
school helped her kc wala na syang
mapapasukan pang skul.

93. Picture City
Napansin nyo ba ang kahightechkan na
ng Picture City ngayon? Dahil ata yan
sa mga kulasang walang humpay na
nagpapalista para sa barkada package.
Extension un ng Isko pag last day na
sa skul pag examinations, kayo-kayo
rin ang mgkikita-kita.

94. Wallet & Pix
Saan ba tinatago ang pera, diba sa
wallet?!@ Sa Isko, pictures ang
nagpapakapal ng wallet. “Pakalkal” is
the term para tignan ang mga pix na
meron ka sa wallet. Pag konti lng,
boring ka. May nkapag-invest na nga ng
album para lng sa pix na meron cya.

95. Johnson’s and Johnson
Bago ang officers ng Admin noon,
pnayagan ang SSAM na sumali sa
Cheerdance ng J and J. Pero juniors at
seniors lng ang pinayagan
magrepresent. Kya todo praktis ang
gusto sumali, tulad ko sa New Gym,
nagturuan pa ng mga exhibitions at
nagkanda pasa-pasa ang katawan ng
malamang na DQ ang SSAM dahil nahuli
sa pag paparegister.

96. Titanic
GS ako noon nung sumikat ang My heart
will go on, na halos kinatanta ng
lahat. At ang pagpapakamatay ng mga
estudyante kay Lenardo Di Caprio.



97. Stationery
Paramihan ng stationery noon. Uso rin
ung letter writing. Pag may kasulatan
ka, una mong titignan ay kung mganda
ba ung ginamit na stationery sa sulat.
Uso rin ang swapping sa stationery.

98. Shagidee sha popo
Pag papuntang p.e., nagshashagidee
shapopo ang mga estudyante hanngang
mkarating ng GYM.

99. Mga Laro nung GS
Monkey Anabelle:
Monkey monkey Anabelle
How many monkeys did you see?
[Chant remaining number of players
here, then count off]
And a-rikkitikkitee and a-blue-black
sheep
Is this true, yes or no {asking for
answer}
Is-pell yes, y-e-s
Is-pell no, n-o
and out you go.

Langit Lupa:
Langit, lupa, impyerno
im, im, impreyno
saksak puso, tulo ang dugo
patay, buhay
alis ka na d'yan

100. Sustagen
Sino ang di naeexcite pag dumadating
sila Sussie at Geno?  mamomoroblema
pa parents mo dahil sa kakulitan mo
para bumili ng Sustagen para sa mga
karton, foil at mga scoops na
ipapapalet mo para sa equivalent na
items. Ano di ka ba nagpapalit?

101. LSS (Last Song Syndrome)
Mga paulit-ulit na linya sa kanta na
di naman natatapos kantahin. Sa amin
noon, “i will sing forever....”

102. Sportsfest shirt
Blue, Red, Yellow, Green..apat na
kulay na mkikita mo sa sportsfest…
maswerte ka kung nkumpleto mo ang apat
na kulay na yan na walang ulit.. wala
akong blue.
Alala ko pa ung pamatay na cheer ng
yellow team na napasa-pasa
na: “Yellong malamig pag natunaw
tubeg!!” 

103. Color Schemes
Blue, White, Black accepted nrin ang
brown. Mga kulay na dapat lang suotin
pag may accessories ka.

104. Red card
Pauso pag nahuli kang nag tagalog…
takte to, pamatay pag nadodoblehan ka
maglilinis ka sa uwian. ISPEK EN
ENGLESH!!!! “time first” ang sasabhin
mo pag naubusan ka na ng English
words… 

105. Motto
That in all things God may be
glorified. Hay… nadala ko to kahit
nung college na ako pag nagdadasal ako
sa harapan… proud e!!!

106. Xerox
Nung GS: nauso ung pagpapaxerox ng
palad pag uwian tas ipopost sa Xerox
room na may pangalan mo.
HS: mahaba ang pila pag exams kc
xeroxan ng may pinaka may kumpletong
notes…

107. Friendhip…
Lahat ng magbabarkada, may friendship
bracelet, anklet, o kaya ring. Minsan
di mo na alam isusuot mo pag may
nagbigay syong iba na gusto kang mging
friend.

108. Platform
GS: pupupnta ka sa harap sa platform
para mgsulat ng notes. Wala ng tao na
nakaupo sa upuan, lahat nasa harapan.
Pag puno na ung likod nung nasa
harapan ang ginagawang patungan.
HS: ito ang ultimate taguan ng
cellfone. 

109. Spelling
GS to ipinapaimpliment. Kakabahan ka
pag sinabi ng teacher mo may spelling
test ngayon.

110. Log book
Sa clinic maraming ganto. Meron sa
Faculty, Grade skul at High skul.
Kelangan mo mag log in at mag log out
ilagay anung ailment at kung anung
gamot. Tapos may green card ka pa na
ipapapirma.

111. Sewing kit
Nakatapos ka ba ng project na hindi
nanghihiram ng gamit? May threader ka
ba? E tama ba DMC mo? 

112. Kikay
Nauso noon ung pagdadala ng facial
wash at pagtututbrush twing lunch
after kumain.
St. Ives ba gamit mo o Clean and
Clear? Pahingi ng toothpaste.. 

113. Retaso
Pag kailangan ng retaso saan ka
pumupunta? Di ba sa Tuazon center....

114. Body bag
Ito ung bag na ang kawit na ay sa buo
mong katawan. Para siyang backpack
pero ung pinakatali niya ay pasling
bag.. 



115. Kickers
Ksabayan ng Sketchers ang Kickers
noon. Uso ung school shoes na kickers
noon. Siguro un kasi ung una mong
makikita sa Sta. Lucia pag pumasok sa
Dept. Store nla sa shoes area. 

116. Jazz pants
Ang alam ko noon mga dance club lng
nagsusuot nun kc sumasayad minsan ang
tuhod nila pag nagpapractice. Mabigat
naman at mahirap gumalaw para sknla
pag nkapants. Pansin ko lng biglang
dumami ang nagka jazz pants noon.

117. Sexiest teacher in HS
Kilala mo ba si Mrs. Cuanang? Matagal
na siya sa St. Scho, umalis tas nag
come back ulit. Teacher siya sa
Biology. Iba ang teaching manner niya,
siya ung tatawag ng students o
volunteer tas bibigyan ka niya ng mga
research na ang minimum ay 15 items. 

118. OHP (Over Head Projector)
Di pa uso ung PowerPoint at minsan
lang gingamit ang wide screen, OHP pa
ang gnamit noon. Mag vovolunteer ka pa
na kumuha ng OHP sa AVR kahit alam
mong npakahirap tong iakyat pag nasa
2nd floor ang room mo.

119. Star section
Sila ang mga purido lagi ng mga
teachers... cympre cream of the crop!
Matatalino, mabibilis magsalita khit
English, laging nangunguna sa quiz bee
at di nahihiya..
Nakasama kb sa kanila?

120. Our Father
May sariling version ang Isko ng Our
Father, cympre c Mrs. Yusi!! Ito na
ata ang pinakamagandang revision ng
Our Father na napakinggan ko.

121. Beneath my wings & Kailan
Mga kantang nkakatindig balahibo pag
kinanta na ng Glee Club. Sa sobrang
ganda ng pagkakanta titignan mo pa ang
harap para masilayan ang Glee club.

122. Secret buddy
Naaalala mo pa b sino buddy mo? Ito
ung sulatan na di mo nmn alam kung
sino ang sumusulat syo.. todo hulaan
to lalo na sa hand-writting kya
kadalasan computerized. Mapansin mo pa
na may mga buddy na marunong tlgang
mag-alaga, mguglat ka nlng may
pangmyryenda ka na. Nung una sa
klasrum lng ang sulatan tapos pinalaki
ni Ate Cecile, by sections kaya haun
todo sulat ang lahat pag walang
ginagwa. Meron pang mga nkikipgpalitan
pa ng buddy.

123. Umbrella
Nung mga prep days to. Uso ung
pagdadala ng payong na may pito.



124. Abbreviations
Alam mo ang...


I- Iniibig
K- Kita
A- At
M-Minamahal
B- Bilang
I- Isang
K- Kaibigan
T- Take
C- Care
C- Coz
I- I
C- Care
J- Just
A- Always
P- Pray
A- At
N- Night

H- Holding
H- Hands
W- While
W- Walking







125. Exams
Pinangarap mo na ang pwesto mo ay sa
labas ng classroom. Kumpleto sa gamit;
stapler, pencil, eraser, liquid eraser
at scratch paper pag math.

126. Stoichiometry
Sino ang hindi lumampas dito? Isa sa
mga topic ng chem... dpat laging
balance ang both sides…

127. Autograph
Isa ka sa mga nakasagot ng MTM,
observe me, love is blind, at mirror
please… ano tama ba ako?? 

128. Ball pen
Isa ka sa mga gumamit ng Pilot at ang
makukulay na My Gel at Metallic My Gel…

129. Cleaners
May mga nka-assign per day kung sino
ang maglilinis ng room. paunahan pag
uwian.. ilalabas ung basurahan,
magwawalis, magbubunot.

130. Blue Heights
Ang official newspaper ng Isko..
nandito rin ung makulit na cartoon na
si koolasa..

131. Art class ni Bb. Eata
Naging teacher mo ba si Ms. Eata? kung
oo, umiyak ka ng last day. Art klas
nyo tas wala kayo gagawin kundi umupo
sa sahig, pumikit, magreflect at
umiyak ng sinabi ni Ms. Eata “Anung
gagawin mo pag 1 minuto nlng ang
nalalabi ng mga magulang mo?”
Umiyak ka ba?

132.Signal No.2
Walang pasok pag may signal no.2 na.
pero pag inabutan ka sa school ng
kalagitnaan ng bagyo. 12nn ang
suspension pero 2pm kayo papauwiin…

133. Bible
Sinong walang Bible sa locker??? Lahat
meron diba..

134. Mr. Chan
Kilala nyo ba cya? Cya ung teacher sa
C.L.E. mabaet at makulit.

135. Reply Slip
Sa kagustuhang makapagpasa ng reply
slip gagayahin mo pirma ng magulang
mo. May class no. pa nga sa bandang
upper left corner.

136.Observer
Kinakabahan ang buong class pag may
umuupo sa likod para mag-observe.

137. World Aids Day
May red ribbon ang lahat sa left side
ng chest.

138. Turquoise
Uso noon ang kulay na turquoise.
Mapahikaw, bracelet o singsing may
turquoise kang mkikita.

139. Index Card
3x5 index card, ito ung nkadikit sa
upuan ng kaharap mo. Dito nkalagay ang
sked ng class. Pagandahan pa noon. Ung
iba may scotch tape pa para iwas
damage sa index. 

140. Linggo ng Wika
Anu suot mo noon, hulaan ko, MALONG!
Nagiging Malong Festival ang Linggo ng
Wika, dahil halos lahat ng students
nka malong. Un na ata ang pinaka
madali at murang masusuot mo sa
okasyong ito.

141. Benetton
Naki uso ka rin ba sa pag gamit ng may
tatak na Benetton? Bag, pencil case,
at kung anu-ano pa basta Benetton.

142. BF candy
Namimigay si BF noon ng candy may
caricature niya. Kadalasan
nagpapamudmud siya nito pag malapit na
kaarawan niya. “Basura mo, Itapon mo!”

143. Brick Game
Di pa uso ang cellphone noon kaya
brick game lng ang dala mo. Agawan pa
nga pag break pra lng mkapaglaro nito.

144. Parker
May Parker ballpen ka nung HS at may
nka-engrave pa na pangalan mo.

145. Sportcenter
Ito ang extention ng Isko pag may mga
presentation at banned ang activities
sa campus.


146. Field Trip
Nasa likuran lahat ng magugulo sa
klase.. nasa harapan naman ang may
hawak ng medicine kit. E panu pag may
nangyari sa likod ang layo ng medicine
kit, suggest ko lng dapat nasa gitna
para fair sa aming nasa likod.
Hahaha!! 

147. Rosary
Lahat ng Scholastican’s may rosary sa
bulsa o sa bag.

148. Flowers
Pag Sept.8 marami ang nagtitinda ng
bulaklak sa Gate 3, birthday kc ni
Mama Mary.
Bibili ka panigurado, kc lahat ng may
bulaklak aakyat ng stage. 

149. Longkatuts
Ano ba ito? Sabi ng iba short cut ng
katulong… edi lahat pla tyo
longkatuts, marami nagsasabi mukang
pang katulong uniform natin.. 

150. Text Notebook
Wala pang MIRC at YM noon, may text
notebook na ang mga kulasa. Ito ung
notebook na pasa-pasa at maglalagay ka
ng commet. Cympre ilalagay mo pangalan
mo sa unahan, parang chat na rin. 

151. Shark-sharkan
Ito ung laro sa playground. Ung
taya “shark” e nasa labas nung isang
laruan dun na umuugoy-ugot pag tinulak
ng paa. Mas marami mas masaya, kasi
pag nagkatulakan marami ang malalaglag
at maaout. Pahirapan naman sa shark
pag magaling ka, nakauwi na lahat ng
kalaro mo kayo naghuhulihan pa.

152. Armak
Nakagamit ka ba ng tape nun na Armak?
Ung tinutukoy ko ay ung tape na naka
ready na, putol na. 5 lang ito sa
canteen. May space lng cya sa gilid
tas hihilahin mo nlng cya. 

153. Quiz envelope
Lahat ng subject ata required sa
envelope. Dito nakalagay ung mga
quizzes tas may nkadikit na papel sa
labas kc dun nka-tally ung grade mo..
pag kulang ka, minus na agad.

154. Locker
Nagkalocker ka ba noon? May kapartner
ka? Ilan kayo?
Ako noon, tatlo ata kami. 

155. Walking in Spirit
“Im walking, walking in the spirit….”
Naaalala mo pa ba itong linyang ito?
Isa ka sa mga kumanta nito pag mass.
Kilala mo pa ba si SISTER BERNA?

156. Hingalangin
Para sa mga kulasang lower batch
namin, marunong ba kyo ng tamang
hingalangin? E kilala niyo ba kung
sino ang founder niyan sa SSAM,
kilalanin niyo muna si SISTER IMAYA.
157. P.E. Jazz Dance
Jazz hands... ahahaha.... isa ka sa
sumayaw sa tugtug nung jazz practical
test na O'ne sia mera plus jamais...

May naaalala ka ba sa mga ito? Kulang
pa ang mga alaalang naisulat ko dito
ngayon. Siguro marami pa kayong
naiisip na iba. Lahat tayo ang may
iba’t ibang karanasan sa Santa
Eskolastika, may iba’t ibang
tinambayan, may kanya-kanyang
pamamaraan ng pagkopya sa exam, mga
kaibigan na akala mo hindi mo
makakasundo pero kayo rin pala ang
magiging matalik na kaibigan, ang mga
barkada mong lagi mong kasama, mga
pagkain na kihahiligan tuwing lunch at
mga teacher na napagtripan. Kung
iisipin halos 10 taon tayong nag-aaral
para lang may matutunan. 10 taon
tayong pinagpapakahirapan ng ating mga
magulang para makatapos. 10 taon na
ang naging pangalawang tahanan natin
ay ang Santa Eskolastika.
Sana wag tayong makalimot sa mga gawi
na itinuro ng institusyon.

Ito HALOS lahat ang mga pinagdaanan ng
batch naming mula Prep hanggang HS.
Kami nga pala ang PINAKAHULING batch
ng nakaranas ng TRADISYONAL na Gawain
sa SSAM. After ng graduation namin iba
na ang namuno kaya nag-iba narin ang
pamamalakad. Kami ang huling batch na
may pinakamahigpit na namumuno at kami
naman ang pinakadisiplinado at
mapagkumbabang estudyante. Pero lahat
naman ng pagbabago ay may magandang
naidudulot. Mas naging kilala ang
SSAM. Mas naging mapaglikha o creative
ang mga estudyante ng SSAM. At gumanda
rin ang kapaligiran ng institusyon.
At sana ay maging active din tayong
lahat na SCHOLASTICANS sa pagiging
ALUMNI ng St. Scholastica’s Academy of
Marikina.



Ramille Maria “mayer” Dela Paz
©2007 KULASA KA KUNG ALAM MO TO!!

Please don’t spoil, just pass….

a few things to add....

1) earth day - yearly activity nung GS pa kame kung saan naglalakad kame nang nakapaa sa lupa

2) club day - nung GS ito yung parang camping day namin - every club may spot sa field at nandun lang kame buong araw

3) teachers' day - dati teachers' week yun na ginawang teachers' day

4) okoy - yung monggo sprouts na may carrots, string beans at konting ground pork na nakabalot sa lumpia wrapper na deep fried

5) chocolate mousse, chocolate beehive - may isang concessionaire na ito ang binebenta; napakahaba ng pila dito noon nung una silang nagbukas

6) junk food - pinagbawal ang junk food sa school kaya wala kang makikitang softdrinks at chips sa canteen

7) goya chocolates or kitkat - ito lang ang mga chocolate bars na pwede mo mabili noon sa canteen...tapos nauso na yung Tofi Luk, Safari at iba-ibang chocolate bars na galing sa Malaysia(?) na gawa ng Gandour

8) crinkles at revel bar - masarap sila hehehe...ang alam ko former kulasa rin ang gumagawa nito

8) breakfast meal - for Php25 may tocilog ka na may juice pa! sulit na sulit 'to noon at sakto kapag hindi ka nakakain ng breakfast. parating mahaba ang pila dito kaya sorry ka na lang pag naubos na ang gusto mong ulam.

9) math academe activities - ang weekly collection para sa scholar, peer tutoring at higit sa lahat ang pagbibilang ng ballots tuwing election. anu na nga uli ang tawag sa student council natin nung HS?

10) grad song - hindi naging successful ang song fest/competition para sa grad song natin kaya yung kay Pyvez na lang yung ginamit...may issue rin noon tungkol sa kanta ni Hoku na "You First Believed"

11) choral fest - naaalala niyo pa ba yung lyrics ng "Ngiti" ? anung country niyo nung 2nd year?

12) dramatization ng buhay ni St. Benedict tuwing feast day

13) feast day ng saint na section mo - kapag feast day ng section mo kayo ang magsasalita sa PA para mag-lead ng prayer service at minsan babatiin ka ng mga kakilala mo ng "happy feast day"

No comments: